Home NATIONWIDE Paunang 5K plastic cards natanggap na ng LTO

Paunang 5K plastic cards natanggap na ng LTO

(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Natanggap na ng Land Transportation Office (LTO) nitong Martes ang paunang batch ng 5,000 plastic card para sa driver’s license mula sa supplier na Banner Plasticard, Inc.

Tinanggap ni Transportation Secretary Jaime Bautista at LTO chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang mga card sa mga seremonya sa LTO main office sa Quezon City.

Ang unang batch ng mga license card ay ipapamahagi sa mga overseas Filipino workers at mga bagong driver’s license applicants.

Ang 5,000 card ay ang unang batch ng 1 milyon na inaasahang ihahatid sa susunod na 60 araw.

Ang Banner Plasticard ay inaasahang makakagawa ng 15,000 hanggang 30,000 card araw-araw sa loob ng 10 araw. Nakatuon ito sa paghahatid ng 1 milyong card sa susunod na dalawang buwan. RNT

Previous articleAmnestiya ni Bongbong inisnab ng CPP
Next articleHouse ethics panel: Teves posibleng mapatalsik sa Kamara