Home METRO PAWS magsasampa ng kaso vs killer ni Killua

PAWS magsasampa ng kaso vs killer ni Killua

MANILA, Philippines – Magsasampa ng kaso ang animal welfare and rights group na Philippine Animal Welfare Society (Paws) laban sa lalaking pumatay kay Killua, isang golden retriever na aso sa Camarines Sur.

Sa pahayag ng PAW, magsasampa sila ng reklamo laban kay Anthony Solares na pumatay kay Killua, na matatandaang nag-viral sa social media.

Si Solares ay mahaharap sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act, ayon sa organisasyon.

“The law is there and we all have a collective duty to protect animals by doing our part, especially witnesses and those with personal knowledge —by making sure that these cases are filed,” anang Paws.

Dagdag pa, ang pagpalo ni Solares na nagresulta sa pagkamatay ni Killua ay hindi maituturing na self-defense.

Nagkaroon din umano ng hindi pagkakatugma sa sinasabi ng suspek at nakuhanan sa surveillance footage kung saan hinabol pa ni Solares ang aso saka ito pinagpapapalo.

“The animal offender claims that this was an act of self-defense but video evidence shows that Killua, the dog, was being chased by him and none of the elements of self-defense were present,” paliwanag ng Paws.

Ang brutal na kamatayan ni Killua ay nangyari noong Marso 17. RNT/JGC

Previous article19K ‘ghost students’ natuklasan ng Senado sa SHS voucher program ng DepEd
Next articleCat cannibalism sa kulungan ng barangay, iimbestigahan