Home NATIONWIDE Payroll ginamit sa paluwagan; pagsibak sa accountant pinagtibay ng SC

Payroll ginamit sa paluwagan; pagsibak sa accountant pinagtibay ng SC

Pinagtibay ng Supreme Court ang pagsibak sa puwesto sa isang accountant matapos gamitin ang pera ng paluwagan ng kumpanya para sa pansariling interes.

Sa resolusyon ng Supreme Court (SC) Third Division, ibinasura ang apela ng respondent na si Claudia Clemeña Varquez na sinibak bilang empleyado ng Rider Levett Bucknall, Phils. Inc. (RLBPI).

Si Varquez ang nagsilbing chief accountant at sa kalaunan ay itinalaga bilang finance manager.

Sa rekord mg kaso taon 2005 nagtayo ng paluwagan ang mga empleyado ng RLBPI na tinawag na PYF.

October 2015, nag-utos ng audit ang Chairperson ng RLBPI na si Corazon C. Ballard at nadiskubre ang iligal na bank account ng respondent na naglalaman ng mga ibinawas sa payroll account ng mg empleyado.

Idineklara ng SC na balido ang pagsibak kay Varquez dahil sinira nito ang tiwala na ibinigay sa kanya ng kumpanya bilang chief accountant at finance manager.

Sinabi ng Korte na para mabigyan katwiran ang pagsibak sa isang kawani, kailangan makamit ang dalawang kondisyon.

“To justify a dismissal based on loss of trust and confidence, the Court held that two conditions must be met: (1) the employee concerned must be holding a position of trust and confidence; and (2) there must be an act that would justify the loss of trust and confidence. In the present case, the Court found that both conditions were met.” ani ng Korte. Teresa Tavares

Previous articleDaniel, nanunuyo? Kathryn, may sagot!
Next articleMagsuot ng face mask sa simbahan – Obispo