Home ENTERTAINMENT PBB, magbabalik, sa GMA7 na mapapanood?

PBB, magbabalik, sa GMA7 na mapapanood?

Manila, Philippines- Nauuso ang mga collab ngayon.

Ang dating inakala nating imposibleng mangyari ay posible na ngayon.

One classic exampale nga ay ang collab between ABS-CBN at GMA via Unbreak My Heart.

It assembled stars from both networks who we thought would never have the chance to work together.

Pero nangyari nga at nagtagumpay pa.

Sa latest episode ng online program ni Ogie Diaz, hindi ang latest showbiz couple na naghiwalay na naman ang kanyang iniulat.

While Ogie has earned the reputation bilang Patron ng mga Hiwalayan, ang latest na nasagap niya’y tungkol sa another collab between ABS-CBN at GMA.

Bagama’t he has yet to confirm kung totoo nga ito, itsinika ni Ogie na narinig niyang ang Pinoy Big Brother daw ng ABS-CBN ay mapapanood sa GMA.

Yes, Ogie is referring to “bahay ni kuya,” the reality show na nagsimula sa ABS-CBN noong 2005.

Matatandaang huling napanood ang PBB via Kumunity Season 10 mula 2021 hanggang 2022.

Ani Ogie, in case matuloy muli ang pagsasanib-puwersa ng dalawang istasyon ay welcome news ito.

Not only has ABS-CBN collaborated with GMA, maging sa TV5 and even other media entities ay naka-collab na rin nila.

Inuulit namin, hindi pa 100% confirmed ang tsikang ito ni Ogie. Ronnie Carrasco III

Previous articleSylvia, dedma sa tsikang preggy si Ria!
Next articleDaan-daang ManileƱa nakatanggap ng tulong mula sa mga Cayetano