MANILA, Philippines – NAKATAKDANG ikasa sa susunod na linggo ng gobyernong Marcos ang Lifeline Rate program na mapakikinabangan ng ng mga kuwalipikadong low-income households para tulungan ang mga ito na magbayad ng kanilang electricity bills.
Ang Lifeline Rate ay subsidized rate na ibinibigay sa mga kuwalipikadong low-income electricity customers na hindi kayang magbayad ng kanilang electricity bills ng buong halaga.
Kabilang sa mga pamilya na maaaring mag-apply para sa Lifeline Rate program ay mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), o customers na kinokonsidera na namumuhay “below the poverty threshold” na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinasabing may isang Distribution Utility (DU)/Electric Cooperative (EC) service kada kuwalipikadong pamilya ang maaaring pagkalooban ng lifeline rate.
Sakali’t mayroon namang mahigit na isang benepisaryo na nag-apply para sa lifeline rate mula sa kaparehong pamilya, gamit ang parehong service account, tanging isang aplikasyon lamang ang pagkakalooban ng lifeline rate habang ang natitirang aplikasyon ay desaprobado.
Ang mga kuwalipikadong benepisaryo ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng pagsusumite sa DU at EC ng kanilang ‘duly accomplished Lifeline Rate Application Form’, kanilang ‘most recent electricity bill’, at kahit na anumang valid government-issued identification card (ID) na naglalaman ng pirma at address ng customer.
Kung ang customer ay namumuhay ‘below the poverty threshold’ na itinakda ng PSA, siya ay kailangan na magsumite ng sertipikasyon mula sa local Social Welfare and Development Office (SWDO) na ipinalabas sa loob ng anim na buwan, nagpapakita na ang kanilang family income ay mababa sa poverty threshold na tumutukoy sa panahon ng kanyang aplikasyon.
Ang power reduction rate ay nag-iiba depende sa umiiral na rates ng DUs o ECs.
“In the Meralco franchise area, lifeline end-users with zero to 20 kilowatt-hours (kWh) of monthly consumption will be granted a 100-percent discount on the generation charges, including system loss, transmission, and distribution components of their bill, except for the fixed metering charge of P5, which means more or less only PhP20 from their electric bills will be paid,” ayon sa Malakanyang.
“If they do not avail themselves of the Lifeline Rate through Meralco, they will have to shell out more or less P250,” ayon pa rin sa Malakanyang sabay sabing “Customers with 21-50 kWh usage who apply for Lifeline Rate will only pay more or less, PhP300 in their electric bills. Otherwise, they will have to pay the undiscounted amount of around PhP550, if they do not apply for the Lifeline Rate. Those with a 51-70 kWh consumption bracket and apply for Lifeline Rate will only be paying around PhP522.90, but will pay the undiscounted rate of PhP763.37, if they do not apply for the Lifeline Rate.”
Iyon namang may 71-100 kWh usage at nag-apply para sa Lifeline Rate ay magbabayad lamang ng P904.21, subalit babayaran ang undiscounted rate na P1,099.10, kung hindi sila maga-apply para sa Lifeline Rate.
Ang programang roll-out ay iniurong sa Setyembre 2023 para bigyan ang mga kuwalipikadong customers ng mas maraming oras at panahon na makapagrehistro.
Samantala, base sa data na ipinagkaloob ng Energy Regulatory Commission (ERC), “as of end July 2023,” mayroon lamang na 12,829 household beneficiaries ng 4Ps, mula sa 4.2 million household members, ang nakapag-apply para sa Lifeline Rate program.
Ang validity ng Lifeline Rate program validity ay base sa annual certified list ng 4Ps beneficiaries na ibinibigay ng DSWD.
Ang isang kuwalipikadong customer ay eligible para makatanggap ng Lifeline Rate na mananatili siya sa updated list.
“If delisted, the customer may opt to apply for a local SWDO certification if he/she is living below the poverty line and may reapply for Lifeline Rate,” ayon sa Malakanyang..
Para naman sa non-4Ps beneficiaries, ang Lifeline Rate ay mayroong three-year validity mula sa petsa ng issuance ng sertipikasyon ng local SWDO. Kris Jose