MANILA, Philippines – “I think we’ve seen the transition from the last administration to this administration is the lifting of fear, right?”
Ito ang naging pahayag ng beteranong mamamahayag na si Maria Ressa matapos ang pagkapanalo niya at ng Rappler sa isang tax evasion case base na rin sa desisyon ng isang korte sa Pasig.
Ani Ressa na naging kritikal sa administrasyong Duterte, na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagkaroon ng “lifting of fear” o pagkawala ng takot.
“I think we’ve seen the transition from the last administration to this administration is the lifting of fear, right? Do you guys agree with me? We feel it in the public. We feel even, I supposed, among the cases [of] the journalists,” aniya pa.
“It’s certainly a very interesting time for the Philippines. I hope it isn’t the calm before the storm,” dagdag pa ng Nobel Peace Prize winner.
Dagdag pa ni Ressa na ang desisyon ng korte ng Pasig ay “nagpapalakas sa aming pasya na magpatuloy sa sistema ng hustisya, na isumite ang aming sarili sa korte sa kabila ng pampulitika na panliligalig, sa kabila ng mga pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag-ito ay nagpapakita na gumagana ang sistema ng hukuman.”
Sinabi rin ng mamamahayag na ang kanilang pagpapawalang-sala ay “isang magandang senyales” para sa komunidad ng negosyo, lalo na ngayon na ang mga economic managers ay naghahangad na palakasin ang klima ng pamumuhunan sa bansa.
“We have to really look at the impact on business because tax evasion charges threaten the way of doing business in the Philippines. And this is the cornerstone of the Marcos administration, to bring the economy back up and to bring international investors in. This is a good sign,” aniya pa. RNT