MANILA, Philippines – Binatikos nina Senador Risa Hontiveros at dating Deputy Speaker and Quezon Rep. Lorenzo Tañada III ang naging hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang Edsa People Power Revolution sa listahan ng mga regular holiday at special days sa 2024 sa ilalim ng Proclamation No. 368.
Pinuna ni Hontiveros ang pag-aalis ng naturang selebrasyon mula sa mga holiday na tinawag niyang “historical distortion” na ginagawa para malinis ang alaala ng publiko sa isang diktador.
Ani, si Pangulong Marcos ay “forever bury into oblivion the courageous battle of Filipinos to restore democracy, their struggle against human rights violations and corruption, which are among the most serious crimes under the martial law dictatorship.”
“Hindi po natin dapat isuko ang ating alaala, ang ating kasaysayan,” dagdag ni Hontiveros.
“The anniversary of Edsa People Power Revolution should not be removed from among the significant days of Filipinos. Whatever the day is, regardless of it being a Sunday, it is a very important date in our history. We should continue retelling it,” pagpapatuloy pa niya.
Samantala, maging si Tañada ay nagulat sa Proclamation No. 368.
Aniya, ang pag-aalis ng Feb. 25 event ay isang hakbang tungo “to erase the ouster of the late strongman from power.”
“It should not be erased because it is historical fact,” dagdag ni Tañada.
Ipinunto rin niya na ang hindi pag-urong sa holiday ng Feb. 25 sa susunod na araw ay labag sa holiday economics.
“I don’t understand why it would be removed,” sinabi pa niya, sabay-sabing ang Edsa People Power Revolution ay mahalaga dahil ito ang simula ng pagbabalik ng demokrasya sa bansa. RNT/JGC