Home NATIONWIDE PBBM admit nakatutok sa pag-abot sa single-digit poverty rate – NEDA

PBBM admit nakatutok sa pag-abot sa single-digit poverty rate – NEDA

MANILA, Philippines – Tututukan ng Marcos administration ang pag-abot sa single-digit poverty rate, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan nitong Biyernes, Disyembre 22.

Ang pahayag na ito ng opisyal ay matapos iulat ng Philippine Statistics Authority ang poverty rate sa bansa na bumaba sa 22.4% sa unang kalahati ng 2023.

“The Marcos Administration remains focused on its priority to substantially reduce poverty to a single-digit level,” saad sa pahayag ni Balisacan.

“With our priorities in check, we remain committed to achieving our ‘AmBisyon of a matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa lahat,’ where no one is poor and no Filipino is left behind,” dagdag niya.

Ani Balisacan, ang desisyon na buksan nang tuluyan ang ekonomiya at alisin ang restriksyon na ipinatupad noong pandemya ay nagbigay ng pagkakataon sa bansa na makarekober sa epekto ng pandemya.

“Notably, in the first three quarters of 2023, the Philippines demonstrated remarkable resilience amid all challenges, with the gross domestic product growth rate averaging at 5.5%, placing us among the best-performing economies in Asia,” ani Balisacan.

Nakatulong umano ang iba’t ibang programa ng pamahalaan katulad ng Targeted Cash Transfer Program, fuel subsidy, one-time rice allowance, at Libreng Sakay Program na matulungan ang mga Filipino sa epekto ng inflation.

Dahil dito, sisiguruhin ng administrasyong Marcos ang epektibong implementasyon ng government interventions upang mapababa ang kahirapan sa regional at national level. RNT/JGC

Previous articleLady Xi Shem at INRI Soldier of God, proud sa Pulahan!
Next articleHigit 8M bata bakunado na vs measles, rubella – DOH