Home NATIONWIDE PBBM aprub sa paglikha ng komite vs jobs mismatch

PBBM aprub sa paglikha ng komite vs jobs mismatch

389
0

MANILA, Philippines – WELCOME  kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang lumikha ng private sector-led coordinating partnership para tugunan ang jobs at skills mismatch sa bansa.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang  Private Sector Jobs and Skills Corp. ay panukala ng  Private Sector Advisory Council-Job sector Group, kung saan nakapulong ni Pangulong Marcos, araw ng Huwebes.

“Well, if it’s private sector-led, then the data gathering function will actually be almost automatic because it’s the private sector that will say ‘These are the things we need’,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang mga business leaders.

Nauna rito, inatasan ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE),  Department of Education (DepEd),  Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makipag-ugnayan sa PSAC-JSG para ihanda at itakda ang sistema sa kung paano palalakasin ang kolaborasyon para mabawasan ang “jobs at skills mismatch problem” sa mga prayoridad na sektor.

Ang paglikha ng  PSJSC ay inendorso ng mga dumalong miyembro ng gabinete.

Ang mga ito ay sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Secretary Arsenio Balisacan of the National Economic and Development Authority (NEDA), at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Samantala, natuklasan sa  ginawang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS)  na 40% ng employed Filipino ay mayroong academic credentials na lampas sa kinakailangan sa kanilang trabaho.

Layon ng panukalang programa ay  ” to upgrade the skills of the Filipino workforce required by industry standards to accelerate the creation of more jobs in the country’s priority sectors. It is intended to support and align industry demands with the government’s education and skills training programs to further strengthen the labor force’s skills development efforts.” Kris Jose

Previous articleUgnayan sa Asia Pacific, pinag-usapan nina PBBM, Australian PM
Next articleVP Sara kumalas sa Lakas-CMD

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here