MANILA, Philippines- Nakauwi na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kayang 5-day official visit sa Japan.
Bitbit ng Pangulo ang “new decade of partnership” sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kanyang arrival speech, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Philippine delegation—kabilang na ang mga government officials at business executives—ay nakakuha ng $13 billion na kontribusyon at pledges.
TInatayang P708.2 billion ang halaga nito, na may kasunduan na makalilikha ng 24,000 employment opportunities.
“From my visit it was very clear that our strategic partnership with Japan has withstood the test of time and is poised for a new decade of mutual trust, mutual support, and mutual benefit,” ang wika ng Pangulo.
Base sa pinakabagong data ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Japan ang third-largest importer ng Philippine-made goods noong Disyembre na may $809.85 million, at third-largest exporter sa bansa na may $793.58 million.
Ang Pangulo ay lumipad patungong Japan sakay ng PR 001 noong Pebrero 8, 2023 para sa isang official visit, kung saan kabilang dito an makaharap at makapulong si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Aniya, ang meeting ay nakatuon sa strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Japan, pinlantsa ang “transformative, future-oriented partnership that is responsive to new developments.”
Tinuran pa ng Chief Executive na mas lalo ring pinalakas at pinatatag ang “defense and security relations, agriculture, information and communication technology, kasama ang cooperation and bilateral agreement frameworks” para sa mutually beneficial collaboration sa maraming aspeto.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na ang social at economic benefits sa kanyang naging pabisita sa Japan ay mararamdaman “very, very soon, very rapidly.” Kris Jose