Home HOME BANNER STORY PBBM bibisita sa Australia

PBBM bibisita sa Australia

MANILA, Philippines- Bibisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australia at magtatalumpati sa harap ng Parliament sa susunod na linggo, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Sabado.

Panauhin si Marcos ng Australian government sa Pebrero 28 hanggang 29, dagdag ng PCO.

Tatalakayin niya ang bisyon para sa Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa kanyang talumpati. Nilagdaan ang ansabing partnership, na nagpaigting sa bilateral relations mula sa Comprehensive Partnership noong 2015, nitong Setyembre 2023 sa pagbisita ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa bansa.

Makikipagpulong din si Marcos sa Australian senior officials upang talakayin ang defense at security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues.

Sa kanyang pagbisita, lalagdaan ang mga bagong kasunduan “in areas of common interest to complement the already robust cooperation with Australia and expand engagements for mutual capacity-building,” base sa PCO.

Sa darating na Nobyembre, gugunitian ng Pilipinas at Australia ang ika-78 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Isa ang Australia sa mga bansang mayroong Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa Pilipinas. RNT/SA

Previous articleDerrick, sinagot ang isyung bading siya!
Next articleGiit ng CCG: BFAR vessel itinaboy sa Scarborough