MANILA, Philippines – Lumipad na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo, Nobyembre 19 patungong Honolulu, Hawaii mula sa Los Angeles.
Nakatakdang makipagkita si Marcos sa Filipino community doon upang makilala ang pamilya ng dating kaibigan na tumulong sa kanilang pamilya sa paglikas nila noong 1986.
Ani Marcos, ang mga ito ay nagpakita sa kanila ng “hospitality” sa panahon na matindi ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya.
Dagdag pa ni Marcos, may ispesyal na bahagi sa kanyang puso ang mga ito.
Maliban sa pagbisita sa Filipino community, nakatakda ring bisitahin ni Marcos ang Indo Pacific Command. RNT/JGC