Home NATIONWIDE PBBM dadalo sa 2024 ASEAN-Australia Special Summit

PBBM dadalo sa 2024 ASEAN-Australia Special Summit

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Melbourne, Australia para magpartisipa sa 2024 ASEAN-Australia Special Summit sa Marso 4-6, 2024, sa imbitasyon na rin ni Prime Minister Anthony Albanese.

Sa press briefing sa Malakanyang, inanunsyo ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu ang byaheng ito ng Pangulo.

Nauna rito, nakatakda namang magsalita ang Chief Executive sa Australian Parliament sa Canberra.

Ang Australia ay itinuring na ASEAN’s oldest dialogue partner. Ito rin ang isa sa “most active, dynamic in all fronts” kabilang na ang political security, economic, at social cultural pillars.

Ayon sa Department of the Prime Minister at Cabinet ng Australian government, ang  Australia ay mayroong “longstanding ties” sa mga bansa sa Southeast Asia at nagbabahagi ng pananaw para sa isang “bukas, matatag at maunlad na rehiyon.”

Sinasabing, ang lumalalim na pakikipag-ugnayan sa ASEAN at member states nito ay prayoridad para sa Australia.

Oktubre 2021, gumawa ng makasaysayang desisyon ang ASEAN at Australia para magtatag ng Comprehensive Strategic Partnership (CSP), na nagpaigting at nagpataas sa kooperasyon, advanced shared priorities at ipinatupad na mga bagong programa sa hanay ng mga bansa.

Sa ilalim ng CSP, ang malawak na saklaw ng kooperasyon ay bitbit pasulong kabilang na ang iba’t ibang sektor gaya ng “energy transition, digital economy, kalusugan, at countering human trafficking.”

Samantala, sa darating na Nobyembre ngayong taon, magdiriwang ang Pilipinas at Australia ng ika- 78 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng mga ito.

“Filipinos and Australians with Filipino descent number 408,000 in Australia as of 2022,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).Ito ang dahilan upang maging pang-5 sa pinakamalaking migrant community sa Australia. Kris Jose

Previous articlePBBM sa League of Municipalities: Be bold, be brave, be grand sa Bagong Pilipinas
Next articleImbestigasyon sa ‘di awtorisadong pagbebenta ng NFA rice ipinag-utos ng Agri chief