MANILA, Philippines- Nakatakdang muling magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ngayong taon sa 50th ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.
Kinumpirma ni Kishida ang pagbisita ni Marcos sa Disyembre.
“In December, I will once again welcome President Marcos to Japan for the commemorative summit for the 50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation in Tokyo,” pahayag ng Japanese leader sa bilateral meeting kasama si Marcos.
“I’m looking forward not only to strengthen our relationship with ASEAN but also to further develop our bilateral relationship based on today’s discussion,” dagdag niya.
Nasa Manila si Kishida para sa two-day official visit para sa bilateral talk kasama si Marcos upang paigtingin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa politika, ekonomiya, at seguridad.
Unang nagkita sina Kishida at Marcos noong Pebrero sa Tokyo, kung saan nakakuha ang huli ng $13 billion (halos ₱708 billion) investment pledges sa kanyang five-day official working visit.
Nagkita rin sila sa sidelines ng ASEAN Summit noong Setyembre saJakarta, kasama si US Vice President Kamala Harris upang talakayin ang South China Sea issue.
Dumalo rin ang Japanese prime minister ngayong Sabado sa special joint session sa Philippine Congress.
Kasado ang ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit sa Dec. 16-18. RNT/SA