Home NATIONWIDE PBBM dapat manatili munang DA sec – solon

PBBM dapat manatili munang DA sec – solon

MANILA, Philippines – Huwag munang magtalaga at sa halip ay manatili si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr bilang Department of Agriculture (DA) secretary hanggang tatlong taon.

Sinabi ni House Committee on Cooperatives Development chairman at AGAP PL Rep. Nicanor Briones sa media forum sa Maynila na prerogative ng presidente kung siya ay magtalaga pero kong siya aniya ang tatanungin ay gusto niyang ang Pangulo ang mamahala sa DA.

Naniniwal ang mambabatas na sa loob ng tatlong taon ay marami nang mababago sa ilalim ng pamumuno ng Pangulo dahil hindi siya maaring diktahan ng economic managers.

Paliwanag ni Briones, kapag ang naupo sa DA bilang pinuno ay takot o kaya’y sunud-sunuran lamang sa gusto ng economic managers… walang mabuting mangyayari sa bansa lalo na sa sektor ng agrikultura.

Ayon pa kay Briones, may ganito nang nangyari noon kung kailan malakas ang impluwensya ng Finance Secretary sa Agriculture Secretary.

“Makikita mo tuwing magsasalita siya,yung agrikultura ang gusto niyang tutukan– kita niya problema pero hindi naman yan isang magic lang na kayang i-solve ang problema”, pahayag pa ni Briones.

Ang 3-taon aniya para kay Pangulong Marcos Jr. bilang DA chief ay sasapat na upang matugunan o mabawasan ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura sa bansa..(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleYoung actress, nagpautang ng almost P1M sa ex!
Next articleEmergency government itinatag ng Israel para mapulbos ang Hamas