Home NATIONWIDE PBBM ‘dedma’ sa panawagang paghihiwalay ng ng Mindanao sa Pinas – Abalos

PBBM ‘dedma’ sa panawagang paghihiwalay ng ng Mindanao sa Pinas – Abalos

MANILA, Philippines- Dedma lang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panawagan na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na napakalinaw sa Konstitusyon kung saan tinukoy ang teritoryo ng Pilipinas, ang soberanya na kailangan ay dapat na palaging “one nation united and undivided – we should always be like that.”

“We’re just one nation, we are one republic,” aniya pa rin.

Para pa rin kay Abalos, walang magandang maidudulot sa bansa ang naturang panawagan at magpapababa lang ito sa territorial integrity ng bansa.

Hindi raw sagot ang secession sa mga isyu at pangangailangan ng Mindanao.

Dagdag pa ng opisyal, sisirain din nito ang dekada nang pagsisikap na itaguyod ang pagkakaisa ng lahi at mga mamamayan.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Police General Benjamin Acorda Jr. na kasama sa kanilang trabaho ang pagchi-check ng counter intelligence – kabilang na ang loyalty check sa hanay ng kapulisan.

“And every commanders are talagang required but it’s part of their job. Now, my take is that when we took our oath as police officers or even in the positions part of it is in upholding the rule of law and the Constitution. So, talagang trabaho namin iyan and we see to it that the territory is protected,” wika niya.

“And also on a personal note, lumaki po tayo sa field and I grew up also Mindanao as a young officer and we have our own share of iyong mga sacrifices natin diyan even to the other side noon iyong mga ibang mga kababayan natin,” litaniya nito.

Sinabi pa niya na ngayon at natitikman na ang kapayapaan ay hindi aniya maganda na bumalik sa nakaraan.

“As of now kinakausap sila, sabi nila ‘Let’s not go back to those days. Let’s give peace a chance.’ And I think, what we have now maganda na ito. so, I don’t think na guguluhin pa nila iyong sitwasyon,” patuloy ng opisyal. Kris Jose

Previous articleBday wish ni Baby Go, makabangon ang movie industry!
Next articlePagkakaisa panawagan ng grupong apektado ng bangayan ng mga politiko