Home HOME BANNER STORY PBBM full support sa AFP modernization

PBBM full support sa AFP modernization

283
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan para sa full support ng pamahalaan para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines habang ipinahayag ang muling pagka-calibrate sa pokus ng military sa external defense.

“Considering the changing tides of our national security and the significant gains that we have made in terms of internal security, our armed forces is working to recalibrate its focus more towards external defense of our borders,” ang naging talumpati ng Pangulo sa ika-125 anibersaryo ng  Philippine Navy.

“In this crucial transition, full support for the Armed Forces must be guaranteed especially for the Philippine Navy’s priority goals of enhancing its intelligence, defense and coordinative capabilities,” dagdag na wika nito.

Umaasa naman ang Pangulo na makukompleto na ang  Horizon 3 ng AFP Modernization, kung saan nakatuon ang pansin sa naval aspect ng  military operations, kasunod ng  pag-komisyon sa dalawang fast attack interdiction craft-missile platforms gaya ng BRP Gener Tinangag at BRP Domingo Deluana.

Ito aniya ang magbibigay-daan sa holistic transformation ng AFP tungo sa “stronger, modern and formidable organization.”

“By then, the AFP will be more effective in its military aims and more responsive to our national goals,” ayon sa Pangulo.

Habang inihahayag ng Pangulo ang paglipat ng pokus ng military sa  external threats,  sinabi ng Pangulo sa  Philippine Navy  na hindi lamang protektor ang mga ito ng bansa kundi “peaceful emissaries” na sumusunod sa  “international recognized codes of conduct” gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea at ang kamakailan lamang na inaprubahang ASEAN Guidelines for Maritime Interaction.

“In this light, it plays a significant role in our collective effort to nurture friendly international relations by fostering mutual trust and confidence, freedom of navigation and overflight, and of course safety of our seas,” ayon sa Pangulo.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo sa AFP na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para paghusayin ang military at maghanap ng pamamaraan para mapabuti ang kanilang indibiduwal na kapakanan. Kris Jose

Previous articlePilipinas plano pa ring bumili ng submarine – PBBM
Next articleMga magsasaka sa Tarlac, tumanggap ng P4.2M makinarya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here