Home HOME BANNER STORY PBBM gumaling na sa COVID-19

PBBM gumaling na sa COVID-19

MANILA, Philippines – Magaling na sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at nagpapagaling pa, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Sabado ng hapon, Disyembre 9.

Noong Martes, sinabi ng PCO na nagpositibo sa virus ang Pangulo.

“Today, on the fifth day of home isolation, the President is now free from cough, nasal congestion, and fever for more than 24 hours,” saad sa pahayag ng PCO.

“All other medical findings were unremarkable. Consequently, the President’s final diagnosis is Covid-19, Recovered,” dagdag pa sa pahayag.

Patuloy pa ring imomonitor si Marcos ng mga doktor sa kabuuan ng kanyang isolation.

Magtatapos ngayong araw ang isolation ng Pangulo.

Bilang precautionary measure, inaabisuhan ang Pangulo na magsuot pa rin ng face mask sa loob ng 10 araw sa public engagements nito. RNT/JGC

Previous articleAmihan patuloy na iiral sa bansa
Next articleMuling pambobomba ng tubig ng China sa PH vessel, kinondena ng US, Japan