Home HOME BANNER STORY PBBM inimbitahan na bumisita sa Peru – Palasyo

PBBM inimbitahan na bumisita sa Peru – Palasyo

MANILA, Philippines – INIMBITAHAN si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.  na bumisita sa Peru sa susunod na taon “to deepen cooperation in areas of mutual interest.”

Ipinaabot ni Cecilia Zunilda Galarreta Bazan, Peru’s non-resident ambassador-designate of to the Philippines, ang imbitasyon ng kanyang gobyerno kay Pangulong Marcos nang ipresenta niya ang kanyang credentials sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa darating na Nobyembre 2024, ang Peru  ang siyang magho-host ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.

Ang Peru at ang Pilipinas ay magdiriwang ng kanilang ika-50 taon ng formal diplomatic relations sa susunod nna taon.

“The Peruvian envoy looks forward to receiving President Marcos Jr. and the Philippine delegation in her country next year, noting the similarities in culture between the two nations — the closest one culturally with Peru, according to her, among all countries in Southeast Asia,” ayon sa impormasyon mula sa state-run Radio Television Malacañang (RTVM).

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang ambassador  para sa “gracious invitation extended to him to participate in the APEC Economic Leaders’ Meeting in Peru next year.”

“That will be a very good step for the strengthening and deepening of the relations between what might be regarded as very, very distant countries but in fact are connected by the Pacific Ocean,” anito.

Sa ulat, umabot sa US$36.3 million ang Philippine exports sa Peru noong nakaraang taon habang ang imports naman mula sa  South American country ay nananatiling US$2.9 million.

Ayon sa data mula sa  Presidential Communications Office (PCO), ang Philippine exports ay karaniwang electronic products, tuna, non-metallic minerals, at chemicals.

Samantala, ang  imports naman ay kinabibilangan ng metal at animal feeds.

Tinatayang may 14 na overseas trips, kung saan ang pinakahuli ay ang 3-day state visit sa  Malaysia.

Ang kanyang travel expenses ay umabot sa P403 million noong nakaraang taon.

“As of February,” umani ang byahe ng Pangulo ng P3.48 trillion o $62.926 billion na halaga ng investment pledges na sakop ang 116 proyekto. Kris Jose

Previous article95% ng mga batang Pinoy target bakunahan ng DOH vs vaccine-preventable diseases
Next articleDBM kinalampag sa pondo sa pag-iimprenta ng TESDA certificates sa nagtapos na SHS