Home NATIONWIDE PBBM: Itinutulak na dagdag-buwis sa luxury goods, resonable

PBBM: Itinutulak na dagdag-buwis sa luxury goods, resonable

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na resonable na magpataw ng mas mataas na buwis sa luxury o nonessential goods.

Sa katunayan, suportado ni Pangulong Marcos ang panukalang batas na isinulong sa Kamara ni Congressman Joey Salceda na naglalayong taasan ang buwis ng mga mararangyang gamit gaya ng kotse at iba pa mula 20% at gawing 25%.

“So, palagay ko naman , it’s reasonable that we will tax the consumption side of those consuming luxury items,” ayon sa Pangulo sa sidelines ng Bureau of Internal Revenue’s (BIR) event sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Sa kasalukuyan, nakasaad sa Section 150 ng National Internal Revenue Code na may 20-percent tax ang nakapataw sa presyo ng jewelry, perfumes and yachts.

Sa ulat, ang taasan ang buwis sa mga luxury goods ang panukala ni Albay 2nd District Joey Salceda.

Layon nito na makakuha ng P12.4B taun-taon kung saan tatawagin itong ‘Louis Vuitton tax’ o non-essential goods tax.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng Ways and Means Committee, na partikular na pinag-aaralan nila ang pagdadagdag sa tax ng non-essential goods gaya ng wristwatches, bags, at iba pang leather items na mataas sa P50,000 ang halaga, private jets, luxury cars na higit P5 million, pagbebenta ng residential properties na above P100 million, beverages na higit P20,000 per bottle, traded paintings na higit P100,000, at iba pang items.

Ang non-essential goods tax ay higit pa sa lahat ng iba pang buwis, gaya ng automotive excise tax, value-added tax (VAT), at iba pang buwis sa pagbebenta ng mga residential property. “Other items, such as sales of shares in exclusive membership clubs (Manila Polo Club, Tagaytay Highlands, etc), jacuzzis, furs, all regatta equipment, and antiques are also being considered, but the revenue potential could be limited, and enforcement costs could outweigh revenue potential,” dagdag ni Salceda.

Samantala, pinaboran ng Pangulo ang panukalang batas dahil binigyang diin nito ang pangangailangan na palawakin ang coverage o sakop ng tax imposition sa mas maraming luxury items.

“I think right now the tax on luxury goods only covers very specific items and luxury goods as those who have put in some study on this know hindi nagbabago ang demand dyan kahit anong sitwasyon,” aniya pa rin.

“For the rest of us who are not necessarily consumers of luxury goods ay randam natin kapag bumagsak ang ekonomiya. Ngunit kung titignan ninyo, ‘yung luxury items, mga magagarang kotse, mga designer na damit at saka mga bag lahat, hindi nagbabago ang presyo niyan dahil may kaya ang mga bumibili,” dagdag na wika ng Pangulo. Kris Jose

Previous articlePatay sa landslide sa Peru, umakyat na sa 15
Next articleSekyu pinagbabaril-patay