Home NATIONWIDE PBBM kay Sara: I’m still your no. 1 fan’

PBBM kay Sara: I’m still your no. 1 fan’

MANILA, Philippines – NANANATILING “number one fan” ni Vice-President Sara Duterte ang kanyang BFF na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ganito kung ilarawan ng Pangulo ang kanyang relasyon sa Bise-Presidente.

Si Duterte ang running mate ni Pangulong Marcos noong 2022 national elections, sa gitna ng kamakailan lamang na rigodon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tinanggal si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker at na-demote na Deputy Speaker. Pinalitan siya ni 3rd District Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales.

Napaulat na nagbitiw naman si Vice Pres. at DepEd Sec. Sara Duterte bilang co-chairperson ng Lakas-CMD na siya nitong partido sa pagtakbong Bise Presidente noong May 2022 national election.

Nauna rito, napagbintangan kasi si Arroyo na siyang pasimuno ng coup d’etat laban kay Speaker Martin Romualdez bagay na itinanggi ng dating pangulo ng bansa.

Subalit para kay Liberal Party President at Albay Rep. Edcel Lagman, dapat ilabas ni Romualdez ang detalye ng umano’y ouster plot laban sa kaniya.

Sa kabilang dako, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang paghanga kay Duterte bago pa niya ilahad ang kanyang keynote speech para sa grand launching ng Pier 88.

Inalala naman ni Pangulong Marcos ang 2022 campaign at ibinahagi kung paano sila magtawanan ni Duterte.

“And the reason I made her laugh [is] because I told her dito sa mga gulong nangyayari , I’ve just officially designated myself as your self-appointed official BFF (best friend forever),” ani Pangulong Marcos.

“Sorry na lang, sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articlePope Francis balik-trabaho agad matapos magkasakit
Next articlePinay doktor pinarangalan sa UAE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here