SAN FRANCISCO, California, USA- Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado (PH Time) na handa siyang umuwi kapag mayroong kailangang gawin na siya lamang ang makagagawa kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Mindanao.
Kasalukuyang nasa United States si Marcos para dumalo sa 2023 APEC Summit at working visits niya sa Los Angeles, California at Honolulu, Hawaii.
“Well, If there’s something that needs to be done that cannot be done by anybody but myself, I will go home,” pahayag ni Marcos sa Kapihan with Media.
Subali, sinabi ni Marcos na “government agencies do not need directives from me anymore. They know what to do.”
“But as I said, alam na nila ang gagawin eh. That’s my hope – we tried to organize the government in such a way that these are standard operating procedures already. You don’t have to question what do we do next, nakasulat na lahat ‘yan,” dagdag niya.
Inihayag ni Marcos na natanggap niya ang ulat ukol sa mga nasawi sa lindol.
“So far I think we have reported two casualties and the damage to infrastructure, to buildings is as you would expect. But it is actually less than we had hoped — than we have feared rather, is less than we have feared,” ani Marcos.
“So as you can imagine these are all very preliminary. Hindi naman niya — in the major cities, hindi nawala ang kuryente, hindi nawala ang communication, hindi naman naapektuhan ang serbisyo ng bawat LGU [local government unit],” patuloy niya.
Tumama ang magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tectonic ang nasabing lindol at naramdaman dakong alas-4:14 ng hapon.
Sa kasalukuyan ay anim na ang naiulat na nasawi sa nasabing pagyanig. RNT/SA