Home NATIONWIDE PBBM kumpiyansa sa magandang hinaharap ng Pinas sa paghupa ng inflation

PBBM kumpiyansa sa magandang hinaharap ng Pinas sa paghupa ng inflation

MANILA, Philippines-  Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumpiyansa siya na magkakaroon ng magandang hinaharap ng Pilipinas kasunod ng ulat ng pagbaba ng inflation sa bansa noong nakaraang buwan.

Inihayag ito ni Marcos bilang tugon sa ulat na bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 4.2 porsyento noong October 2023, pinakamababa mula April 2015.

Gayundin, binanggit niya ang pagbaba ng inflation rate sa 4.1 porsyento nitong November 2023.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya na nangangahulugan ito ng magandang hinaharap para sa bansa.

“The journey ahead is promising, and I am confident that with your support, we will continue to build a resilient and prosperous Bagong Pilipinas!” aniya nitong Dec. 7 habang naka-isolate matapos masapul ng COVID-19.

“This is not just a number; it signifies the lives of millions of our fellow citizens who have found new opportunities,” giit niya.

“Our dedication to fostering an environment conducive to trade and investment is paying off,” patuloy ng Pangulo. RNT/SA

Previous article17 Pinoy crew na bihag ng Houthi rebels ligtas – OWWA
Next articlePBBM sa Kapistahan ng Immaculada Concepcion: Kapayapaan, pagbibigayan, kabutihang-loob isabuhay