Home NATIONWIDE PBBM kumpiyansa sa ‘stable’ na presyo ng bigas sa pagsisimula ng anihan

PBBM kumpiyansa sa ‘stable’ na presyo ng bigas sa pagsisimula ng anihan

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging stable ang presyo ng bigas sa oras na magsimula na ang anihan sa mga pangunahing palay-producing areas sa bansa.

Sa isang kalatas mula sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Pangulong Marcos, kasalukuyang Agriculture Secretary,  na ang simula ng anihan sa Nueva Ecija, Isabela at North Cotabato ay makadaragdag sa suplay ng bigas sa bansa.

“So I think pagka ‘yung supply natin ay dumami at humaba ang ating reserve ay mag-stabilize na ang ating mga presyo. Babantayan namin nang mabuti para tiyakin na ganon ang mangyari,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Ayon sa ulat, ang presyo ng bigas ay tumaas sa P40 hanggang P50 per kilo sa ilang pamilihan.

Tinuran ng Punong Ehekutibo na mahigpit na naka-monitor ang pamahalaan sa suplay at pagtaas ng presyo ng bigas kung saan ang farmgate price at importasyon ay nakapag-ambag sa tumaas na presyo.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Dr. Leo Sebastian na ang iniysal na ani ng palay mula sa Isabela, Nueva Ecija at North Cotabato ay 900,000 metric tons.

“The initial harvest of palay from the current wet season crop will take place until September,” ayon kay Sebastian.

“Palay harvest will peak in late September to October, contributing largely to the country’s second semester (July to December) production, estimated at more than 11 million metric tons (MMT),” aniya pa rin.

Layon ng DA aniya na makapag-ani ng hanggang 11.5 million MT sa second semester.

“Barring strong typhoons in the coming months that may adversely affect Central and Northern Luzon, we are aiming to harvest up to 11.5 MMT in the second semester of the year,” anito.

“This would breach the 20-million MT total national palay production, making it a record, being the highest in the country’s history,” dagdag na pahayag nito.

“Palay harvest season is expected to start September until November,” ang wika naman ng PCO. Kris Jose

Previous articleLEGASIYA NG MANILA BAY
Next articleCataroja posibleng nagpanggap na bisita kaya nakatakas – Catapang