Home NATIONWIDE PBBM magsasagawa ng ilang bilateral talks sa sidelines ng COP28 – DFA

PBBM magsasagawa ng ilang bilateral talks sa sidelines ng COP28 – DFA

MANILA, Philippines- Tinatayang aabot sa 12 o higit pa ang  bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sidelines ng  Conference of the Parties o COP28 sa Dubai, United Arab Emirates.

Gayunman, sa press briefing sa Malakanyang, nilinaw ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresa Almojuela na ang nasabing bilateral meetings ay “still subject of consultations.”

Sa kabilang dako, nakatakdang umalis si Pangulong Marcos patungong Dubai, Huwebes ng umaga, para magpartisipa sa  COP28.

”At this point, these bilateral meetings re subject of consultations and I think we will have more clarity on which meetings will take place,” ayon kay Almojuela.

Nang tanungin kung ilang bansa ang magkakaroon ng pagpupulong kasama ang Pangulo, sinabi ni Almojuela na , “Maybe a dozen or more because some of these requests are made in the venue during the… at the sidelines so we are not sure this time. Right now we are working on a dozen bilateral meetings for the President.”

Tinuran pa ni Almojuela na magtatalumpatid rin ang Pangulo sa World Climate Action Summit.

“The first program of December 1 for the President is the opening of the Philippine Pavilion. Shortly after, he will be the keynote speaker in side event that we are organizing together with the Government of Kenya and the IOM Director General,” ayon kay Almojuela.

”This side event will be about the Philippines leading and pushing for a stronger global consensus, and the next is between climate change and migration,” dagdag ng opisyal.

Aniya, mahigit 140 heads of states, governments at royalties ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa COP28.

Kabilang naman sa magiging agenda ay ang pagpapabilis ng energy transition, pagpapahusay ng climate finance, at pagtitiyak sa katatagan ng food systems.”

”I believe that the President’s engagements will reflect the priority that the Philippines attaches to all these thematic agenda of the conference,” ayon kay Almojuela. Kris Jose

Previous articlePatay na megamouth sharks namataan sa Aurora
Next articlePagkalos sa ‘terror tag’ sa mga komunista hindi ‘kara-karaka’ – NSA