Home OPINION PBBM, MAHAL NG DATING POLITICAL OFFICER 

PBBM, MAHAL NG DATING POLITICAL OFFICER 

HINDI plastic si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at totoo ang pagtulong nito sa mamamayang Pilipino.
Ito ang sinabi ni Gerald Dequina, dating tauhan ng Pangulo, kaugnay sa tunay na pag-uugali ng huli na nakatatanggap ng maraming batikos sa ngayon.
Sinabi ni Dequina,  apat na taon siyang naglingkod kay PBBM at araw-araw niyang kasama noon kaya kilala niya ang kilos, ugali at prinsipyo ni Pangulong Marcos
Ibinahagi pa nga ni Dequina ang ilang personal na karanasan niya kay PBBM tulad ng mga kapalpakan niya sa trabaho pero hindi siya nakatikim ng mura o masigawan at sa halip, malumanay siyang kinakausap para sabihin ang kanyang pagkakamali.
Hindi rin malimutan ni Dequina ang tulong na ibinigay sa kanya ni PBBM nang tumawag siya para ipabatid na naka -confine siya sa isang kilalang pagamutan noong 2021 bunga ng severe Covid-19 na muntik na niyang ikinamatay.
Pinapunta aniya kaagad ng Pangulo ang personal doctor niya para alamin ang kanyang kalagayan at iniutos pa sa kanyang mga staff ang paghahanap ng gamot na Tocilizumab na noon ay napakahirap makabili kaya hindi na niya ito malilimutan hanggang sa kanyang kamatayan.
Marami aniyang pagkakataon na kapag may kalamidad tulad ng sunog, inuutusan siyang alamin kung ilan ang apektado para agad na mapadalhan ng tulong.
Binigyang-linaw ni Dequina, gusto niyang ibahagi ang karanasan niya kay PBBM, dahil hindi niya matiis ang mga maling paratang na batid niyang walang katotohanan.
Batid ni Dequina na gagawin din ni PBBM kahit kanino ang tulong na ipinagkaloob sa kanya dahil naniniwala siya sa mabuting kalooban ng Pangulo at ng kanyang may-bahay, si Unang Ginang Louise Marcos.
Previous articleDAGDAG-SAHOD SA WAGE EARNER, KASAMBAHAY SA DAVAO, APRUB NA!
Next articleLONG TERM SOLUTIONS SA VEHICULAR ACCIDENTS, KAILANGAN