MANILA, Philippines- Nakatakdang humarap mamayang gabi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang grupo ng mga dayuhang negosyante.
Sinasabing dalawang grupo ng foreign businessmen ang makakaharap ni Pangulong Marcos sa idaraos na Gala dinner sa Makati city.
Ito ay ang Joint EU – ASEAN Business Council at European Chamber of Commerce of the Philippines.
Ang EU-ASEAN Business Council ay ang pangunahing boses para sa European Business sa ASEAN region, habang ang European Chamber of Commerce of the Philippines ay isang bilateral foreign chamber na nagtataguyod sa interes sa Pilipinas at vice versa.
Ito ay may malakas na business network na nagbibigay ng potential business opportunities.
Samantala, inaasahang makakasama ng Pangulo ang kanyang economic managers sa mga aktibidad mamayang gabi. Kris Jose