Home NATIONWIDE PBBM may paalala sa DSWD

PBBM may paalala sa DSWD

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglingkod sa publiko na may pangangalaga at habag.

“You are the country’s social welfare forces, always on red alert, in a country where distress calls from disaster victims and disadvantaged sectors never end,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na ika-73 taong anibersaryo ng DSWD sa head office nito sa Quezon City.

“As you put our people out of harm’s way, and on to the road to recovery and a better life, always serve your clientele with care and compassion as you have been doing,” ayon pa rin sa Chief Executive.

Nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa DSWD na tratuhin ang mga mahihirap at vulnerable na may kagandahang-loob, pang-unawa at habag “because that care is a hallmark of public service as well, empathy goes a long way.”

Winika pa ng Pangulo na malinaw naman na naipakita ng DSWD ang kanilang malasakit sa publiko sa mga nakalipas na taon.

At dahil na rin sa ang DSWD ang nasa ‘forefront’ ng welfare services ng gobyerno, sinabi ni Pangulong Marcos na itinaas ng Kongreso ang 2024 budget nito sa P245 billion, mula sa nakalipas na taon na P196.5 billion.

Ang resulta, sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Senior Pension lamang, mas magiging malaki ang patatakbuhing payroll operation ng departamento kumpara sa gobyerno.

Ang 4Ps ay nakatanggap ng alokasyon na P106 billion para sa kapakinabangan ng mahigit sa apat na milyon pamilya ng Filipino.

Ang pera ay karagdagan sa P49.8 billion para sa social pension ng 4.085 milyong senior kabilang na ang insentibo para sa super-seniors, at centenarians.

Ang food catering operations ng DSWD, magsisilbi sa “tens of millions” ng hot meals sa 2.027 million preschool children sa iba’t ibang komunidad ay mayroong P4.1 billion na alokasyon.

At para tugunan ang pagkagutom, ikinakasa ng departamento ang food stamps program kung saan binibigyan ng P3,000 kada buwan ang 50,000 pamilya.

Ang tumataas na pangangailangan ng mga mahihirapan na pamilya at vulnerable sector ay nangangahulugan ng pinalawig na mandato ng DSWD, dahilan para bigyan ng Kongreso ng mas maraming resources ang DSWD.

“Ngayong taon, dinagdagan pang muli ng Kongreso ang AKAP ng dalawampu’t pitong bilyong piso upang lalong makinabang ang mga manggagawang maliliit na ang kinikita at higit na apektado ng mataas na presyo ng bilihin,” ang pahayag ni Pangulong Marcos kung saan tinukoy ang Abot Kamay Ang Pagtulong program.

“Suma-tutal, malaking bahagi ng populasyon ng mga na- nga-ngailangan sa ating bansa ay nada-daupan ng tulong ng DSWD, which helps them tide over, to help them get back on their feet, and not consigning them to a life of dependency, because aid that emancipates a human being is the kind of dignified giving that government should practice, and that this government is practicing,” dagdag na pahayag nito.

“DSWD programs, however, have never been regarded as a hand-out but a hand up, designed to help people pull themselves up from helpless situations,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo. Kris Jose

Previous articleMister nag-iskandalo sa NAIA, pasaporte ni misis pinunit!
Next articleMatagal nang patay na Pangulo, hinatulan pa ring mabitay