Home NATIONWIDE PBBM may payo sa mga doktor ni ex-PRRD

PBBM may payo sa mga doktor ni ex-PRRD

MANILA, Philippines – HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga doktor ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na alagaan itong mabuti dahil sa masamang epekto ng Fentanyl dito.

“I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” ayon kay Pangulong Marcos.

Hiningan kasi ng reaksyon si Pangulo Marcos kaugnay sa alegasyong ibinabato sa kanya ni dating Pangulong Duterte.

“When was the last time he told us that he was taking Fentanyl? Mga five, six years ago, something like that. After five, six years, it has to affect him kaya palagay ko, kaya nagkakaganyan. So, you know, I hope his doctors take better care of him than this – hindi pinababayaan itong mga nagiging problema,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, mariing itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Marcos sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Duterte.

“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” ayon sa kalatas ng PDEA.

Hayagang sinasalungat ang pahayag ng dating Pangulo na ipinakita nila rito ang pangalan ni Marcos Jr. sa sinasabing drug list.

Ayon kay Duterte, ang umano’y ebidensiya ay ipinakita sa kanya noong siya ay Mayor pa lamang ng Davao.

Base sa records, binuhay ang PDEA noong Hulyo 30, 2002 nang itatag nito ang National Drug Information System (NDIS), nagsilbi bilang intelligence database ng lahat ng drug personalities na responsable sa pangangalap ng inputs mula sa law enforcement at intelligence counterparts.

Binigyang diin ng PDEA na hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Marcos sa NDIS simula nang matatag ito noong 2002 at hanggang sa kasalukuyan, binigyang-diin din na hindi kasama ang Pangulo (Marcos) sa listahan nito sa mga drug personalities kahit pa noong panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“It is worthwhile to note that, when the former President took over in 2016, his administration came out with a list, which was then initially called the ‘narco-list, sometimes referred to as the Duterte list, and upon continuing validation and re-validation, it became the Inter-Agency Drug Information Database, or IDI,” ayon sa PDEA.

“The name of President Marcos is also not in the said list,” ayon sa PDEA. Kris Jose

Previous article₱340K shabu nasamsam, 2 suspek arestado
Next article8 dam sa Luzon mababa na sa normal na lebel ng tubig – PAGASA