Home NATIONWIDE PBBM, mga senador nag-dinner sa Malacañang

PBBM, mga senador nag-dinner sa Malacañang

MANILA, Philippines- Nag-host sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ng dinner para sa mga senador nitong Martes ng gabi sa Malacañang Palace. 

Inilahad ng nakatatandang kapatid ng Pangulo na si Senator Imee Marcos ang nasabing salo-salo.

“Chikahan lang ‘yun ang inapi-api dun si Senator [Sherwin] Gatchalian, yun lang. Wala nagkabiruan lang kung kailan magpapakasal, naiipnip na kami,” pahayag niya.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na natalakay niya ang imbestigasyon ng International Criminal Court sa nasabing dinner.

“He invited us and the first lady, yung first couple, nag-imbita sa amin for a dinner social, casual lang na dinner,” wika ni Dela Rosa.

“Napag-usapan namin personally, kaming dalawa. I am not at liberty to reveal the details of our conversation dahil nga it is privileged communication between us. So basta tingnan niyo na lang yung mukha ko, nakangisi… Happy ako, happy,” aniya pa.

Sa 18 majority senators, dalawa ang hindi nakadalo– sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Senator Francis Escudero.

Hindi rin pumunta ang mga miyembro ng minority bloc subalit kita sa mga larawan sa pagtitipon ang asawa ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel.

Samantala, kasama sina Senators Pia at Alan Cayetano, na tinatawag ang kanilang sarili bilang independent senators, sa dinner. RNT/SA

Previous article4.5T mishandled carabeef nasamsam sa Balintawak
Next articleAngat Dam magpapakawala ng tubig ngayong Huwebes