Home NATIONWIDE PBBM nagbabala sa ‘dangerous use’ ng coast guard, militia vessels sa S....

PBBM nagbabala sa ‘dangerous use’ ng coast guard, militia vessels sa S. China Sea

774
0

JAKARTA, Indonesia- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga kaalyado nito na manindigan laban sa “dangerous use of coast guard and maritime militia vessels in the South China Sea.” 

HIndi tinukoy ni Marcos, na nagsalita sa 18th East Asia Summit (EAS) na dinaluhan ni Chinese Premier Li Qiang, ang bansang sangkot dito subalit maliwanag na ang China ang pinatutungkulan dito, na sa nakalipas na buwan ay matindi ang ipinakitang agresyon sa Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

“The Philippines fully supports adherence to international law and the rules-based order. We must oppose the dangerous use of coast guard and maritime militia vessels in the South China Sea,” aniya sa kanyang intervention.

“We are concerned over illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing, and the militarization of reclaimed features in the South China Sea,” dagdag ni Marcos.

“The Philippines remains resolute towards the peaceful resolution of disputes. We continue to support freedom of navigation and overflight, and the rules-based international order in the South China Sea,” giit pa ng Pangulo sa kanyang intervention sa EAS.

Pinagtitipon ng EAS ang ASEAN nations at kanilang dialogue partners na kadalasan ay mayroong magkakasalungat na prayoridad at agenda. 

Bukod sa ASEAN members na Indonesia, Laos, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, Vietnam, Brunei, Cambodia, at chairperson Indonesia, kasama sa EAS ang Australia, China, India, Japan, New Zealand, Republic of Korea, Russia, at ang United States. 

Hindi imbitado ang Myanmar, ASEAN member, sa in-person summits mula nang buwagin ng military coup ang civilian government noong February 2021. RNT/SA

Previous articlePH, US, Japan sanib-pwersa kontra pagtatangka sa S. China Sea
Next article4 ipo-ipo namataan sa Bohol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here