MANILA, Philippines – NAGBABALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko laban sa online scams, kabilang na ang mga deals o kasunduan na “too good to be true.”
Tinanong kasi ang Pangulo kung paano ang gobyerno, sa pamamagitan ng Securities and Exchange Commission (SEC), ay mapoprotektahan ang publiko mula sa online lenders at investment scammers.
“So, we just have to be very, very watchful and we have to be very, very careful and also be aware of the new technologies, of the new ways in which we can prevent these kinds of things. But it really comes down to the public,” ayon kay Pangulong Marcos.
“My advice to the public is that when you get a message and there is a deal being presented and it sounds too good to be true, it is,” dagdag na pahayag nito.
Ayon sa Pangulo, wala namang bagay na “100% risk-free” pagdating sa mga kasunduan.
“There is no way to guarantee these enormous returns on what they are claiming, on the money that you put, that you give them,” ayon sa Pangulo.
“If the public is aware and knows and is able to spot because of the way that these scams are presented, then that is the best defense that we have,” dagdag na wika nito.
Kamakailan, ang mga nabiktima ng harassment at pananakot ng collection agents ng online lending platforms ay nagsampa ng iba’t ibang reklamo sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.
Nabanggit din ni Pangulong Marcos na ang SIM Card registration ay naging isang malaking hakbang sa pagpuksa sa mga nasabing online scams.
“I think we are getting to the point where we have disposed of or taken out of the system many of the SIM cards that have not been registered because they have been used for illegal purposes and for these scams that we have been hearing about,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.
Tinuran ng Chief Executive na ipagpapatuloy ng gobyerno na palakasin ang kakayahan nito laban sa mga online scams.
“Every defense or every capability that we develop to block or to catch or to nullify this kind of transactions, of course they come up with new technology, they come up with new techniques,” aniya pa rin. Kris Jose