Home NATIONWIDE PBBM nagpalabas ng EO No. 49; tanggapan na tututok sa investment, economic...

PBBM nagpalabas ng EO No. 49; tanggapan na tututok sa investment, economic programs pinalilikha

MANILA, Philippines – NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order (EO) No. 49 lilikha ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) sa ilalim ng  Office of the President (OP).

Layon nito na tiyakin ang epektibong integrasyon, koordinasyon at implementasyon ng iba’t ibang government investment at economic policies at programs.

“There is a need to further strengthen the existing mechanisms for formulation, coordination and implementation of the Government’s economic initiatives, plans, policies and programs, as well as to establish a robust monitoring system to ensure a holistic and cohesive approach to addressing the diverse economic challenges currently confronting the nation,” ayon kay Pangulong Marcos sa pagpapalabas ng kautusan.

Sa ilalim ng  EO No. 49, ang OSAPIEA ay pangungunahan ng  Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) na may ranggo na Kalihim.

Ang OSAPIEA  ay pangungunahan ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick D. Go.

Kabilang sa magiging tungkulin ng  OSAPIEA head  ay ang tulungan ang Pangulo sa pagbibigay ng napapanahon, makabuluhan at strategic advice sa mga usapin na may kinalaman sa ekonomiya at concerns,  kabilang na ang inflation, food security, at ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“The office will also take charge of making sure investment pledges made are realized and come to fruition,” ayon sa Malakanyang.

Ayon sa  EO. 49, “The SAPIEA shall serve as Chairperson of the Economic Development Group (EDG), while the Secretaries of the National Economic and Development Authority (NEDA) and Department of Finance (DOF) shall serve as Vice Chairpersons.”

Ang SAPIEA ay makikipagtulungan sa EDG, at i-identify ang mga pangunahing “programs, activities and projects (PAPs) sa  Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, at maging sa “monitor, review and evaluate the progress of priority initiatives and PAPs of the administration.”

“In relation to sitting as Chairperson of the EDG, the SAPIEA is directed to supervise, in behalf of the President, the NEDA, DOF, Department of Budget and Management, Department of Trade and Industry and their respective attached agencies such as the Board of Investments, Philippine Economic Zone Authority, Securities and Exchange Commission, to ensure effective and efficient implementation of their respective priority initiatives and PAPs. The said agencies are required to regularly report and coordinate with the SAPIEA on priority initiatives and PAPs,” ayon sa ulat.

“Other functions include identifying problem areas in the implementation and submit to the President a comprehensive report on such matters, including their status, and ensure timely execution, as well as close monitoring of the impact on identified targets of priority economic initiatives and PAPs,” ayon pa rin sa ulat.

Titiyakin din na ang priority investment at economic agenda ay aktibong maisusulong, at mas magiging mabilis ang aksyon ng inter-agency para makamit ang mga pangunahing target,  bahagi ito ng mandato ng tanggapan.

Ang pinuno ay uupo rin bilang miyembro ng NEDA Board, Investment Coordination Committee (ICC), Social Development Committee (SDC), Committee on Infrastructure (INFRACOM), at Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Ang paglikha sa OSAPIEA ay alinsunod sa ginagawang pagsusulong ng administrasyong Marcos na magpatupad ng  PDP 2023-2028 na naglalayong makamit ang economic at social transformation sa pmamagitan ng pagkambyo sa ekonomiya pabalik sa high-growth path, siguraduhin ang inclusive growth, at lumikha ng “enabling environment” na makapagbibigay ng patas na oportunidad sa lahat ng mga Filipino para sa isang  “innovative at globally competitive economy.” Kris Jose

Previous articlePolisiya sa paglalayag ng barko ‘pag may bagyo, inapela ng isang shipping company
Next articleComelec pinagpapaliwanag ng SC sa pagdiskwalipika sa Smartmatic