Home NATIONWIDE PBBM, nagtalaga na naman ng bagong mukha sa gobyerno

PBBM, nagtalaga na naman ng bagong mukha sa gobyerno

MANILA, Philippines – PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.

Sa katunayan, inanunsyo ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Marcos ang ilang opisyal ng ahensiya ng pamahalaan.

Itinalaga ni Pangulo Marcos si Rolando Ledesma Macasaet bilang pangulo at chief executive officer ng Social Security System, matapos na upuan nito ang posisyon bilang acting capacity noong Enero ng nakaraang taon.

Itinalaga rin ng Pangulo sina Sharon Garin at Alessandro Sales bilang mga undersecretaries ng Department of Energy, araw ng Martes base sa transmittal papers.

Subalit napaulat na sina Garin at Sales ay mga undersecretaries na ng ahensiya simula pa noong nakaraang taon.

Sa kabilang dako, itinalaga naman si Joey Concepcion, miyembro ng Marcos’ Private Sector Advisory Council, bilang miyembro ng Micro, Small, and Medium Enterprise Development Council ng trade department.

Si Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship sa ilalim nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal-Arroyo, ay magiging miyembro ng konseho na kakatawan sa Luzon.

Siya ang founder ng Philippine Center for Entrepreneurship–Go Negosyo, na nakatuon ang pansin sa pagtulong sa MSMEs. Kris Jose

Previous articleP3M drilling machine gamit sa proyekto ng NIA, sinunog
Next article4 na bata, ligtas sa pagbagsak ng eroplano sa Amazon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here