MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sina Henry Bensurto Jr. bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Republic of Turkiye at Raul Hernandez bilang ambassador to the Sultanate of Oman Chief of Mission I.
Sa social media post, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na si Bensurto bilang ambassador to Turkiye, ay mayroong hurisdiksyon sa Georgia at Azerbaijan.
Si Hernandez ay nagsilbi noon bilang tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ilalim ni dating Pangulo Benigno Aquino III, habang si Bensurto ay isa sa nangungunang eksperto ng bansa sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at maritime security kung saan ang kontribusyon ay naging blueprint ng Pilipinas sa arbitration case laban sa China.
“The appointment papers of the country’s new envoys to Turkiye and Oman were both signed on May 12,” ayon sa Malakanyang.
Kapuwa naman itinalaga sina Bensurto at Hernandez sa kani-kanilang posisyon isang araw matapos na pangalanan ni Pangulong Marcos ang limang Philippine ambassadors to the United Nations (UN), India, Malaysia, Portugal, at Kingdom of Saudi Arabia.
Ang lahat ng kanilang appointments, ay kukumpirmahin at dadaan sa butas ng karayom ng Commission on Appointments (CA), binubuo ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado. Kris Jose