Home NATIONWIDE PBBM nais ng mas agresibong social protection, malalakas na manggagawa sa Pilipinas

PBBM nais ng mas agresibong social protection, malalakas na manggagawa sa Pilipinas

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na gugulan ng pondo ang  mga programa na may kinalaman sa  social protection  na may layunin na ihanda ang mga manggagawa sa Pilipinas para sa pagbubukas pa ng ekonomiya at inaasahan na pagdagsa ng mga foreign investors sa bansa.

“Mayroon na pong tagubilin sa amin na mahigpit ang Pangulo na naririyan ang pondo, lalo na ang may kinalaman sa social protection programs ng pamahalaan, dapat maipagkaloob natin iyan sa mga intended beneficiaries,” ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang.

“Kaya ang catch-up plan po namin ay kasama iyong collaboration at saka partnership, not just with the local government units, but also with our legislators and most importantly po, sa private sector,” ayon sa Kalihim.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting sa Malakanyang para tugunan ang ‘underspending’ at idetermina ang mga hakbang para mag-improve ang ‘agency budget utilization.’

Ipinresenta naman ng mga ahensiya ng pamahalaan sa nasabing miting ang kani-kanilang catch-up plans para mapabilis ang delivery ng social services.

Ani Laguesma, hangad ni Pangulong Marcos na partikular na ituon sa employability o kakayahang magtrabaho ng kabataang Filipino para ihanda ang mga ito sa kinabukasan o panghinaharap lalo na para sa post-pandemic opening ng ekonomiya lalo pa’t marami ng binabawi na restriksyon.

“Based on the data and forecast from business organizations and firms, the President’s foreign travels would eventually result in more investors coming in to set up their businesses in the Philippines,” ayon kay Laguesma.

“Sa darating na panahon, bunga rin ito ng mga pagbibiyahe ng ating Pangulo, ay magkakaroon po ng mga setting up ng bagong mga kumpanya, expansion ng mga existing at mangangailangan po sila ng mga karagdagang manggagawa na tutulong upang lalong mapalakas iyong pagkakataon na magkaroon tayo ng mas maraming opportunities para sa mga manggagawa,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ni Laguesma na mayroon nang catch-up plan ang Department of Labor and Employment (DOLE), bilang isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagpapaabot ng social protection sa pakikipagtulungan sa local government units (LGUs) at iba pang katuwang.

Isa mga  big-ticket programs ng DOLE ay ang Tulong Pangkabuhayan Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa mga “disadvantaged, vulnerable, displaced at marginalized sector.”

Habang ang mga ahensiya ay required na gumawa ng catch-up plans, nilinaw ni Laguesma na ang data ukol sa utilization rate ay sumasaklaw lamang sa first quarter ng taon.

“Itong second quarter po, nakahabol na po kami dahil noong kami ay nabigyan ng impormasyon kung ano ang rate ng aming utilization, agad-agad po kami ay nakipagpulong na sa mga regional directors,” ayon sa Kalihim.

Maliban sa pagkakaroon ng catch-up plan, kailangan din na matiyak  ng DOLE na ang mga tamang documentation na laging hinahanap po ng COA ay kanilang naisasagawa nang sa ganoon naman aniya ay “iyong naipagkaloob na pondo sa atin ay talagang maukol doon sa dapat niyang pagkagastusan.” Kris Jose

Previous articleKorapsyon sa BIR, BOC sugpuin muna bago magtakda ng bagong buwis – Escudero
Next articleProposed amendments sa procurement law ipiprisenta kay PBBM sa susunod na linggo