Home NATIONWIDE PBBM nakiisa sa Indo-Pacific efforts sa pagsusulong ng green energy, pagtugon sa...

PBBM nakiisa sa Indo-Pacific efforts sa pagsusulong ng green energy, pagtugon sa supply chain disruptions

MANILA, Philippines- Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 2nd Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEF) Leaders’ Meeting, nangako na ipatutupad ang mga hakbang na pipigil sa  supply chain disruptions at i-promote ang green energy.

Sa kanilang kalatas, inihayag ng mga heads of states ang kanilang nilalayon sa tamang oras habang ang kanilang mga  ministro ay lumagda sa  first-of-its-kind Supply Chain Agreement,  tinuldukan ang negosasyon sa isang groundbreaking Clean Economy Agreement at  innovative Fair Economy Agreement.

“Our ongoing cooperation through these agreements will promote workers’ rights, increase our capacity to prevent and respond to supply chain disruptions, strengthen our collaboration on the transition to clean economies, and combat corruption and improve the efficiency of tax administration,” ang nakasaad sa kalatas.

“Thirteen of us have made progress on and continue to work towards a mutually beneficial Trade Pillar outcome that advances workers’ rights through strong and enforceable labor standards; improves economic opportunities for families, ranchers and farmers, and micro-, small-, and medium-sized enterprises; and promotes fair, open, and rules-based trade, accompanied by technical assistance and economic cooperation, benefiting all segments of society,” dagdag pa rin nito.

Matatandaan na inilunsad ng Estados Unidos noong  May 2022 ang  IPEF kasama ang Australia, Brunei Darussalam, India, Indonesia, Japan, the Republic of Korea, Malaysia, New Zealand, the Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.

Bagong miyembro ng grupo ang Fiji.

Samantala, sinabi pa ng grupo na nakatakda naman nilang ilunsad ang IPEF Critical Minerals Dialogue para pagyamanin ang  “closer collaboration” sa pagpapalakas sa IPEF critical mineral supply chains at palakasin ang regional economic competitiveness.

Ipinangako rin nila na ie-explore ang karagdagang  inisyatiba para isulong ang kooperasyon at dayalogo sa larangan ng mutual interest gaya ng energy security at teknolohiya.

“Through our ongoing engagement and cooperation, IPEF will enhance our ability to promote workers’ rights, protect the environment, and create decent work and inclusive, sustainable economic opportunities in a future of peace, stability, development, and prosperity for all our people,” ang nakasaad sa kalatas. Kris Jose

Previous article2024 budget budget ng DOST lusot sa Senado
Next articleWPS issues tinalakay nina Marcos, Xi