Home HOME BANNER STORY PBBM nakipagkita sa CEO ng TikTok

PBBM nakipagkita sa CEO ng TikTok

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa video hosting service na TikTok upang matulungan ang maliliit na mga negosyante sa Pilipinas na i-promote ang mga produkto.

Ang ugnayang ito ay inanunsyo nitong Sabado, Nobyembre 18 nang makipagpulong si Marcos kay Tiktok chief executive officer Shou Zi Chew sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) Summit sa Estados Unidos.

Nagkasundo ang Pangulo at Singaporean TikTok official sa pagsasanay sa local sellers at pagpromote ng kanilang produkto sa pamamagitan ng naturang plataporma, ayon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.

“We want to give more resources and highlight and train the local sellers in the more rural parts of the country because that’s one thing interesting on the platform,” sinabi ni Chew kay Marcos sa naturang pagpupulong.

Ani Chew, nais i-highlight ng TikTok ang lokal na produkto, lalo na ang small-scale sellers, sa ilalim ng “edutainement” program.

Nauna nang nagsagawa ng kaparehong inisyatibo ang TikTok sa Vietnam, Indonesia, at Malaysia, sabays-sabing “To sell around the country and export around the world. That’s the plan.”

Siniguro ni Chew sa mga nagbebenta ang kanilang seguridad habang gumagamit ng plataporma, at idinagdag na ang TikTok “is for creativity and entertainment.”

“So we want to keep it at that. [The] rules that keep people civil and keep the platform safe. So we have community guidelines like ‘no violence, no sexual abuse material’. We have all these guidelines and we have a team of people who moderate content,” dagdag pa niya.

“If there’s anything that crosses the guidelines, we will moderate. And we have a local representative who is working very closely with one of the regulators as well. We get feedback and move very quickly if there is something that we spot (being) violated on the platform and that’s something that we take extremely seriously,” pagpapatuloy nito.

Sinabi ni Garafil na nakikita ng TikTok ang Southeast Asia bilang “biggest emerging market” sa labas ng Estados Unidos, sa 325 million monthly active users o kalahati ng populasyon ng rehiyon.

Noong Abril 2022, inilunsad ng kompanya ang TikTok shop, isang e-commerce section kung saan pwedeng makapaghanap at makabili ng produkto sa mga video.

Ang TikTok ay ipinakilala sa Pilipinas noong Mayo 2017 bilang bahagi ng international launch. Kasalukuyan itong mayroong 50 milyong active users sa bansa. RNT/JGC

Previous articleMga Pinoy na naging ‘valued’ members ng American society, pinuri ni PBBM
Next articlePBBM byaheng Hawaii na