Home HOME BANNER STORY PBBM ‘on the way’ na sa pagtatalaga ng agri chief

PBBM ‘on the way’ na sa pagtatalaga ng agri chief

MANILA, Philippines – “On the way” na si Pangulong Ferdinanf Marcos Jr. sa pagpili at pagtatalaga ng kalihim sa agrikultura, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes, Setyembre 28.

Ito ay nang tanungin si Marcos kung maglalagay na ba ito ng agriculture chief, sagot ni Bersamin, “I think he’s on the way to that.”

Matatandaan na si Marcos ay tumatayong pinuno ng Department of Agriculture noon pang 2022 nang maupo siya sa panunungkulan.

“Well, alam na rin niya na kailangan sigurong mayroon na siyang regular na sekretaryo,” sinabi ni Bersamin sa isang panayam.

“Ito kasing pagpipili ng Sekretaryo, siguro tinatantsa niya kung sino ‘yung dapat dahil ang agriculture portfolio ay napakaraming issues diyan,” dagdag niya.

“Wala pa akong balita kung mayroon na siyang napupusuan but he’s I think on the way to that,” pagpapatuloy pa ni Bersamin.

Nang tanungin naman kung mayroon nang shortlist si Marcos, sagot ni Bersamin, “Maaari, mayroon na.”

Noong Hunyo ay sinabi ng Pangulo na nais niyang siguruhin na “systems are all in place” bago lisanin ang DA.

Bago umalis sa ahensya, nais ni Marcos na tiyakin ang food supply ng bansa, murang bilihin sa food commodities, at mas mainam na kabuhayan sa mga magsasaka. RNT/JGC

Previous article783 indibidwal inilikas sa sunog sa Valenzuela
Next article89% mas gusto ng June-March school calendar – SWS