Home HOME BANNER STORY PBBM: Pagbati kay Taiwan Pres. Lai ‘common courtesy’ lang; One-China policy patuloy...

PBBM: Pagbati kay Taiwan Pres. Lai ‘common courtesy’ lang; One-China policy patuloy na kinikilala ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Patuloy na sinusunod at kinikilala ng Pilipinas ang One-China policy.

Tugon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-aalboroto ng China sa kanyang naging pagbati kay Taiwan President-elect Lai Ching-te na nanalo sa nasabing posisyon sa nakalipas na eleksyon doon.

Sabi ng China, labag ito sa one-China Policy at huwag raw “maglaro ng apoy” ang Pilipinas.

Giit ng Pangulo, hindi kailanman ineendorso ng gobyerno ng Pilipinas ang “independence” ng Taiwan mula sa China at ang kanyang pagbati kay Lai ay “just a common courtesy.”

”Ako, very simple lang ang ano ko diyan… noong naging Presidente ako binati ako, so what do you do. It’s just common courtesy that you do the same for them. That’s really where it came from,” ayon sa Pangulo na aminadong labis na ikinagulat ang negatibong reaksyon ng China sa kanyang “congratulatory message” kay Lai.

Sa kabilang dako, panahon naman ng kanyang ama, ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nang sumang-ayon ang Pilipinas na kilalanin ang One-China Policy na nagsasabing may isang gobyerno lamang ang China.

”The One China policy remains in place. We have adhered to the One China policy strictly and conscientiously since we adopted the One China policy, and that has not changed,” ayon kay Pangulong Marcos.

“That will not change. We are not endorsing Taiwanese independence. Taiwan is a province of China but the manner in which they will be brought together again is an internal matter,” dagdag niya.

Binigyang -iin ng Punong Ehekutibo na hangad niya ang kapayapaan at hindi siya kailanman nag-isip na magkaroon ng sigalot sa kahit na anumang bansa.

”Ang habol lang natin dito ay kapayapaan na hindi magkagulo,” giit ng Pangulo. Kris Jose

Previous article2 tiklo sa P225K shabu sa Pasay
Next articlePulis na sangkot sa Catherine Camilon bantay-sarado para ‘di makalabas ng Pinas