KUALA LUMPUR- Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes na ilalatag ang repatriation ng mga Pilipino sa convening ng Joint Commission Mechanism sa pagitan ng Malaysia at ng Pilipinas sa Oktubre.
Sa isang press briefing, tinanong si Marcos kung inilatag niya ang kaso ng mga Pilipinong nasa death row sa Malaysia sa kanyang pulong kay King Al-Sultan Abdullah.
Sinabi ni Marcos na ang JCM ang magiging daan upang ilatag ang mga kinahaharap na isyu ng Manila at Kuala Lumpur.
“It was my suggestion to Prime Minister Anwar on the briefing of the DFA that we can take up the repatriation of Filipinos in the next convening of the [JCM],” pahayag ni Marcos.
Nang hingan ng paglilinaw kung mapapauwi ang mga Pilipinong nasa death row, sinabi ni Marcos na depende ito sa sitwasyon.
“Iba-iba but yes, that’s essentially it. They are being repatriated because of I guess, although they considered themselves Filipinos, they consider also North Borneo, they consider also they’re part of their ancestral land,” giit ni Marcos.
“When they apply Malaysian laws, they are illegals, that’s essentially it,” dagdag ng Punong Ehekutibo.
Ani Marcos, ang pagpapauwi ng mga Pilipino sa bansa ay pinangangasiwaan na ng embahada sa Kuala Lumpur.
“But the issues, for example, the transfer of Filipinos back to the Philippines is now being attended to by our KL Embassy and I think that we have to put good working relationship when it comes to that,” aniya.
Bumisita ang Pangulo sa Malaysia sa layuning paghusayin ang relasyon ng dalawang bansa. RNT/SA