Home HOME BANNER STORY PBBM pinag-iingat ni Pimentel sa banta ng China

PBBM pinag-iingat ni Pimentel sa banta ng China

MANILA, Philippines – Binalaan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Miyerkules, Enero 17, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng mga pahayag kaugnay sa foreign policy ng bansa.

“Yes mag ingat,” ani Pimentel, kasunod ng pinakahuling tirada ng China laban sa Pilipinas.

“Also because we (PH) chose to adhere to the One China policy. That’s our own decision, hence, our actions must match our official positions,” dagdag pa niya.

Nitong Martes, matatandaan na naglabas ng babala ang China laban sa Pilipinas matapos na batiin ni Marcos si
Lai Ching-te sa pagkapanalo sa presidential election sa Taiwan.

“On behalf of the Filipino people, I congratulate President-elect Lai Ching-te on his election as Taiwan’s next President,” pahayag ni Marcos, Lunes ng gabi.

Ang pagbati na ito ni Marcos ay nagpainit sa China, kasunod ng babala na “not to play with fire.”

Inakusahan din ng China si Marcos na nilabag ang One China principle.

Para kay Pimentel, ang anumang isyu na may kinalaman sa Taiwan ay dapat na ipaubaya na lamang umano sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).

“We have MECO to deal with Taiwan. This is because of our one China policy,” aniya.

“Let us continue to adhere to the One China policy,” pagpapatuloy ni Pimentel.

Ipinaliwanag na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang congratulatory message ng Pangulo kay Lai ay “his way of thanking them for hosting our OFWs (Overseas Filipino Workers).”

“Nevertheless, the Philippines reaffirms its One China Policy,” sinabi ng DFA. RNT/JGC

Previous articleHouse and lot na nagkakahalaga ng P3.6M pababa, exempted sa VAT – BIR
Next articlePoultry imports mula California, Ohio ipinagbawal sa Pilipinas