Home NATIONWIDE PBBM pinasalamatan ng Isabela farmers sa suporta, mataas na kita

PBBM pinasalamatan ng Isabela farmers sa suporta, mataas na kita

Si Samuel Lugo, pangulo ng Tumauini Irrigation Pilot Area, isang pederasyon ng Irrigators' Associations (IAs) sa Isabela na nagpasalamat kay Pangulong Marcos para sa suporta sa DA, mataas na palay income.

MANILA, Philippines – MASAYA na ngayon ang mga magsasaka mula sa Isabela dahil sa mga benepisyo ng mataas na presyo ng palay kontra sa mga nakalipas na taon.

Naipagbibili kasi ang mga sariwang  palay  sa halagang P20 per kilogram (kg), habang ang mga tuyo naman ay mabibili sa halagang P26/kg.

“Naibenta namin ang aming sariwang palay sa P20 kada kilo, kaya kami’y nakabawi ngayon. Ang dagdag na kita ay malaking tulong sa aming pamilya para sa pang-araw-araw na pangangailangan,” ayon kay Samuel Lugo, pangulo ng Tumauini Irrigation Pilot Area, isang pederasyon ng Irrigators’ Associations (IAs) sa Isabela.

Ang tatlo naman na pangunahing dahilan kung bakit mayroon na silang mataas na kita ay dahil sa magandang resulta ng interbensyon na ipinagkaloob ng Department of Agriculture sa mga magsasaka.

Ang grupo ani Lugo ay kinabibilangan ng 15 IAs na mayroong mahigit na 4,000 miyembro na nagbubungkal sa mahigit sa 3,000 ektarya sa Tumauini, Isabela.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng mga ito si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa suporta ng gobyerno sa kanila at sa iba pang magsasaka sa buong bansa.

“Sa ngalan po ng federation, ipinapaabot namin ang aming pasasalamat sa Kagalanggalang na Pangulong BongBong Marcos sa mga magagandang ayuda na ibinibigay nya sa aming mga magsasaka!,” ayon kay Lugo.

“Ang maganda pa ngayon ay nakamenos kami dahil sa mga ibinibigay na suporta ng DA tulad ng binhi at abono. Bumaba po ang aming gastos sa pagsasaka,” paliwanag nito.

Tinuran pa ni Lugo na karamihan sa mga ito ay  plant hybrid rice varieties: “Puro hybrid po ang aming itinatanim. Maski sa wet season, ito pa rin ang aming ginagamit, dahil mas mataas ang ani.”

Nakamit naman ng  grupo ni Lugo ang average na ani na 5 metric tons (MT) kada ektarya, nakapagbigay ang mga ito ng average  gross income na  P112,000, ayon sa pagtataya ng DA Regional Field Office No. 2 (Cagayan Valley), sa pangunguna ni OIC-Director Rose Mary Gazzingan-Aquino.

Sinabi naman ni Noel Baquiran, Municipal Agriculturist of Tumauini, na ang mga magsasaka ay ‘well-compensated’ ngayong 2023.

“Ngayon, masaya ang mga magsasaka dahil sa mataas na presyo ng kanilang palay. Bumaba ang kanilang gastos dahil sa mga suporta ng DA at mayroon pang support price na idinadagdag ng Provincial Government of Isabela, through Governor Rodolfo Albano III, na P2-subsidy on top of the buying price of the National Food Authority,” ayon kay  Baquiran.

Sa lahat ng ito, ngayong  2023 wet season, ang kabuuang lugar na tinaniman ng bigas sa  Isabela ay 326,301 ektarya, na may target production na  606,826 MT, ayon kay Dr. Marvin Luis, DA-RFO 2 rice program coordinator.

“As of September 30, 108,528 hectares were already harvested, representing one-third of total area planted,” dagdag na wika ni Baquiran.

Samantala, base sa satellite data na nakalap ng Philippine Rice Information System (PRiSM), ang Isabela sa ngayon ay nakapag-ani ng 453,400 MT ngayong  third quarter, at inaasahang makakapag-produce ng mahigit sa 346,500 MT sa Oktubre at Nobyembre. Kris Jose

Previous article10 PCG training personnel sinibak sa paniningil sa mga bagong recruit
Next articleIkatlong Pinoy na nasawi sa Israel kinukumpirma pa – PH embassy