Home NATIONWIDE PBBM: Politika dapat paglilingkod sa bayan ‘di sa partido lang

PBBM: Politika dapat paglilingkod sa bayan ‘di sa partido lang

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang politika ay dapat na paglilingkod sa bayan at hndi sa isang partido lamang.

“Politics should not be in the service of one party, should not be in the service of one person, certainly.Namumulitika tayo dahil mayroon tayong gustong gawin,” ayon kay Pangulong Marcos bilang tugon sa liham ng isang nagngangalang Erica, isang Humanities student na interesado sa Philippine politics at Kasaysayan.

Ayon sa Pangulo, ang isang indibidwal na naghahangad ng kahit anumang elective position ay dapat na hindi maging self-centered.

Pinuri naman ng Pangulo ang pagiging interesado ni Erica sa Philippine history, sabay sabing “there is much to learn from history.”

Winika pa ng Pangulo na dapat na mapagtanto ng mga Pilipino na “politics is constant, a favorite topic on social media but where fake news are rampant.”

Kaya nga ang payo nIya sa mga kabataan ay intindihin, alamin at kunin ang magkabilang panig ng kwento ng usapin.

“Because we have experienced this before. Politics is essentially about the human condition, it is about an ideology that you hold dear, a principle that you will not compromise so that you can help the people, so you can be of service to the people. Not to yourself, not to your party, not to your family, but for the people,” aniya pa rin.

Samantala, sinagot ng Pangulo ang mga tanong at liham na natatanggap ng Office of the President (OP) mula sa “Bahay Ugnayan” museum ukol sa politika, presyo ng bigas, jeepney modernization program at iba pang national issues.

Tugon naman ng Pangulo sa tanong kung ang ibig sabihin ng “BBM” ay ‘Bigas Biglang Mahal,” sinabi ng Chief Executive na ang pagharap sa presyo ng bigas ay isang seryosong problema hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Asian countries.

Aniya pa, ang top rice producers gaya ng Vietnam at Thailand ay apektado rin ng “external shocks” gaya ng galaw ng presyo ng langis.

Tiniyak naman nito na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para masiguro na sapat ang suplay ng bigas sa merkado.

“Ginagawa natin lahat upang naman ang produksyon natin ay maging sapat na hindi na tayo nag-i-import, mababawasan ang mgainputs, kung tawagin para sa ating mga farmerat sana naman ay ma-stabilizeman lang natin ‘yung presyo ng bigas,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Inulit naman ng Pangulo na hindi naman pine-phase out ng gobyerno ang mga jeepney. Sa halip, sinusubukan nitong gawing modernisado ang transport system para makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa mga mananakay at makapagbigay sa mga driver ng mas maayos na kita.

Ang mga modernisadong jeepney ay mabuti rin aniya sa kapaligiran. Kris Jose

Previous articleKagawad timbog sa buy-bust!
Next articlePBBM sa People Power anniversary: Maraming dapat matutunan mula sa kasaysayan