Home NATIONWIDE PBBM sa AFP: Pagsisikap laban sa mga banta kabilang sa WPS, i-reconfigure

PBBM sa AFP: Pagsisikap laban sa mga banta kabilang sa WPS, i-reconfigure

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na “i-reconfigure” o muling isaaayos ang approach nito sa pagtugon sa rebelyon, sakuna o kalamidad at usapin sa West Philippine Sea.

Sa katunayan, sinabi ni AFP chief Romeo Brawner Jr. na ibinigay ng Pangulo ang naturang kautusan ng pangunahan niya ang military command conference sa Camp Aguinaldo, araw ng Lunes.

“He said that we needed to reconfigure our approaches to dealing with different threat groups,” ayon kay Brawner.

“We need to deal with communist terrorist groups, the local terrorist groups, the threats that we are facing in the West Philippine Sea, and of course yung mga natural disasters,” dagdag na wika nito.

Nais aniya ng Pangulo na makalikha at makabuo ang AFP ng bago at makabagong pamamaraan sa pagharap sa mga nasabing hamon.

Gayunman, wala namang ibinigay na partikular na utos ang Pangulo kaugnay sa mga nasabing usapin dahil ayaw aniya ng Punong Ehekutibo na ma-micromanage ang military organization.

Ayon pa kay Brawner, mismong ang Pangulo aniya ang nagsabi na nais nitong dumalo sa command conference ng AFP at nais nitong magbigay ng kanyang gabay sa mga commanders sa field.

Samantala, sinabi ni Brawner na humina na ang guerilla fronts ng New People’s Army (NPA), nabawasan ito ng 11 habang 1,500 miyembro ang naiwan.

“We have given our commanders on the ground targets to dismantle the remaining guerilla fronts,” ani Brawner.

“But while there are no more active NPA guerilla fronts, the weakened groups are still a force to be reckoned with,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleP625.8M ibibigay ng Canada sa Pinas para sa health services, climate adaptation
Next articleMas maraming ‘specialty centers’ itatayo sa Pinas