Home NATIONWIDE PBBM sa Asian Zero Emission Community, mamuhunan sa renewable energy industry sa Pinas

PBBM sa Asian Zero Emission Community, mamuhunan sa renewable energy industry sa Pinas

MANILA, Philippines – INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Asia Zero Emission Community na mamuhunan sa renewable energy industry at emerging technologies sa Plipinas.

Nanawagan si Pangulong Marcos sa isinagawang AZEC Leaders’ Meeting sa Tokyo, Japan kung saan ipinakikilala nito ang energy efficiency at conservation measures ng bansa.

Aniya, sasapi ang Pilipinas sa AZEC Partners “to accelerate a clean, sustainable, just, affordable, and inclusive energy transition towards carbon neutrality, or net-zero emissions.”

“We welcome this timely initiative to tackle climate change as a common global challenge and advance cooperation towards carbon neutrality/net-zero emissions while ensuring energy security,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

“This gathering is very timely given the recent COP28 in Dubai and I am confident that this initiative will contribute to the global acceleration of an inclusive energy transition,” aniya pa rin.

Binanggit pa ng Chief Executive na ang unang wind farms sa Southeast Asia ay itinayo noong panahon na siya ay isang gobernador ng Ilocos Norte.

Sinabi pa rin niya na nagtakda ang Philippine government ng traget nito para itaas ang share ng renewable energy sa  power generation mix ng 35% sa  2030 at 50% sa 2040, magreresulta aniya ito ng  3.3 billion tons ng iniiwasang GHG emissions sa 2023-2050 planning horizon.

“To achieve this, we have eased foreign ownership restrictions for renewable energy projects. The development of renewable energy sources in the Philippines is now open to 100% foreign ownership,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We have also set in place a regulatory framework which sets the groundwork for building a robust Offshore Wind Industry, encompassing a long-term vision for infrastructure development, for investments, and sound policies,” dagdag na wika nito.

Ginarantiya naman ni Pangulong Marcos sa mga investors na nasa Pilipinas na maaaring mag-avail ang mga ito ng ‘simplified rules’ para sa  pagtatayo ng  Renewable Energy facilities at karagdagang insentibo gaya ng income tax holiday at duty-free importation ng  capital equipment.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang gobyerno ng Japan  sa pagpapakita ng interest na maka-partner ang Pilipinas sa pagbalangkas ng roadmap para sa  energy transition, nagpahayag ng kumpiyansa na ang kolaborasyon ay magbibigay-daan para sa paglikha ng  AZEC center.

“In addition, I would also like to speak of the added interest in partnerships with the Philippines and we need the partnerships that we have, and to add to them as well,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“So, I would like to invite our AZEC Partners, including Japan, to invest not only in the Philippine renewable energy industry, but also in other emerging technologies and introduce energy efficiency and conservation measures,” aniya pa rin.

Ang AZEC ay isang  platform na binubuo ng Asian countries na nagpo-promote ng pagbabawas ng greenhouse gas emission sa rehiyon habang sumusuporta sa economic growth sa Asya. Kris Jose

Previous articlePamahalaan ‘di titigil sa paglaban vs NPA, terrorist groups – Defense chief
Next articleMalasakit Team ni Bong Go, 3-araw umayuda sa Pangasinan