Home NATIONWIDE PBBM sa DICT: LGUs gabayan para maka-adapt sa e-Gov system

PBBM sa DICT: LGUs gabayan para maka-adapt sa e-Gov system

326
0

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na gabayan ang local government units (LGUs) para maka-adapt sa e-Gov system bilang bahagi ngĀ  digitalization initiative ng gobyerno.

Binigyan ng Pangulo ng direktiba si Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy habang nagdaraos ng sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang hinggil sa nakabinbing proyekto atĀ  cybersecurity concerns ng DICT.

“Let’s capacitate our LGUs so they can adapt to the system,” ang sinabi ng Pangulo kay Uy.

Ipinaliwanag naman ni Uy sa Pangulo na gamit ang sistema, makatitipid ng pera ang lokal na pamahalaan at mapalalakas nito ang kanilangĀ  income generation.

ā€œSo medyo gagaan ā€˜yung ano natin downloading. Makakatipid ho sila dito. And their income generation capacity will increase tremendously because there will be efficiencies in the collection,ā€ ani Uy.

Inatasan din ng Pangulo ang DICT na magsagawa at magbigay ng regular upgrades.

“That’s really the essence of digitalization. Let’s be sure that we are able to upgrade this system. Set it up to get them (LGUs) ready, so they know how to operate it.”

Inanunsyo naman ng DICT noong Disyembre ng nakaraang taon ang e-Gov system, kabilang rito ang e-Gov Super App, isang plataporma na naglalayong tiyakin ang digitalisasyon ng government systems sa PIlipinas kabilang na ang LGUs.

Bahagi rin ng e-Government Priority Projects ng pamahalaan ay ang “centralizing government cloud services; e-Report, for citizens’ feedback and complaints; and, e-Gov App” kung saan pagsasama-samahin ang lahat ng government services sa isang plataporma.

Nakatakda namang ilunsad angĀ  e-Gov Super App sa susunod na buwan.

Maliban sa e-Government Priority Projects, kabilang sa Priority Initiatives ng DICT ang Broadband ng Masa, National Broadband Plan (NBP), Free Public Internet Access Program, National Government Data Center (NGDC), at Enhancing ICT competency sa pamamagitan ng Upskilling and Reskilling.Ā Kris Jose

Previous articleBagyong Mawar humina na
Next articleHigit P18M cocaine, nabisto sa Clark International Airport

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here