Home NATIONWIDE PBBM sa gov’t workers: “Huwag tamad, pagbabago magsisimula sa gobyerno

PBBM sa gov’t workers: “Huwag tamad, pagbabago magsisimula sa gobyerno

MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga manggagawa sa gobyerno na huwag maging tamad o dilly-dally

“Bawal ang tamad at makupad sa pamahalaan. Walang puwang ang mga mabagal at sagabal sa serbisyo publiko,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos sa harap ng 100,000 attendees ng Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Maynila, araw ng Linggo, Enero 28.

“Services must be fast. Projects must be completed on time; deadlines must be met per schedule. Distress calls must be responded to without delay,” dagdag na pahayag nito sabay sabing

ang mga government workers ay hindi dapat na masungit at dapat ay nagtatrabaho ng nakangiti.

BInanggit din ng Pangulo ang red tape sa gobyerno, kailangan din na bawasan ng gobyerno ang proseso.

“In whatever government office, red tape must be replaced with a red carpet,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Complex requirements and the processing time must be reduced,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa sambayanang filipino na sa ilalim ng banner ng Bagong Pilipinas, ang pagbabago ay magsisimula mula sa gobyerno.

Ang Bagong Pilipinas aniya ay hindi lamang isang slogan ng gobyerno, subalit ang master plan para sa genuine development na mapakikinabangan ng mga tao ay hindi lang isang pribilehiyo.

Upang makamit ito, sinabi ng Pangulo na ang gobyerno ay dapat na “lead by example” at panatilihin ang mga tao mula sa kanilang mga ginagawa.

“It can only succeed with the people’s participation. It can only succeed if the government will demonstrate the fortitude to do the hard work,” ayon sa Pangulo.

“And for this, I pledge— [the] government will neither ask the people for sacrifices it will not exact first upon itself or impose a burden that is heavier than what people can carry,” dagdag na wika nito.

“Sa Bagong Pilipinas, ang pagbabago ay magsisimula sa pamahalaan. While power emanates from the people, change must begin from the government,” aniya pa rin.

Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang mga magnanakaw sa gobyerno dahil ang korapsyon ay pagnanakaw mula sa mga tao.

“Bawal ang mga hindi tapat at nangungulimbat,” anito.

“Kapag pera ng bayan ang nawala dahil sa katiwalian, ang mga taong paglalaanan sana ng pondong naglaho ay nananakawan,” dagdag na pahayag nito.

Dahil dito, nangako ang Pangulo na ang budget preparations ay maging transparent.

“Ang paghahanda lalo na ang paggugol ng budget ng bayan ay bukas sa publiko at hindi ikinukubli,” aniya pa rin.

“Walang parte nito ang kinukupit o sinusubi,” dagdag na wika nito.

At ang panghuli, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga manggagawa sa gobyerno na magtrabaho ang mga ito para sa tao at hindi ang mga tao para sa kanila.

“Bawal ang mga pang-aapi at paghahari-harian,” giit nito abay sabing “You are servants of the people, not their lords.”

Sinabi pa ng Pangulo na ‘Wag nating pahirapan ang taumbayan, bagkus, suklian ang kanilang tiwala ng magalang na panunungkulan.” Kris Jose

Previous articleSenado tinawag na “slower chamber” ng solon
Next articleInterest rate cut posible ngayong taon – BSP