Home NATIONWIDE PBBM sa housing beneficiaries: Bagong tahanan, gamitin sa maayos na buhay

PBBM sa housing beneficiaries: Bagong tahanan, gamitin sa maayos na buhay

MANILA, Philippines – TINAWAGAN ng pansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga benepisyaryo ng housing project ng gobyerno na gamitin ng maayos at tama ang kanilang bagong tahanan upang matiyak ang mas magandang kinabukasan.

Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos ang groundbreaking at awarding ceremony ng bagong housing projects ng National Housing Authority’s (NHA) sa Bacoor, Cavite.

“Tinatawagan ko po ang lahat ng mga benepisyaryo na gamitin ang biyayang ito upang mapaunlad ang inyong mga buhay at matiyak ang magandang kinabukasan para sa inyo at para sa mga pamilya ninyo,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

Ang groundbreaking ng Ciudad Kaunlaran Phase II ayon sa Malakanyang ay tanda ng pagsisimula ng pagtatayo ng dalawang five-storey low-rise building, na nakatakdang makagawa ng 120 housing units.

May karagdagang five-storey building ang nakatakdang itayo naman na may 60 units sa kaparehong lokasyon.

Para sa Phase I, tinatayang 360 pamilya ang napagkalooban ng unit at nakatakdang tirhan ang anim na gusali.

Sa oras na makompleto, ang Phase I ay binubuo ng 9 na five-storey buildings na may kabuuang 540 housing units.

Ang resettlement projects sa Barangay Molino II ay bahagi ng relocation sites na kinilala para sa mga informal settler families na apektado ng Supreme Court Mandamus para linisin ang Manila Bay Area. Kris Jose

Previous articleKatibayan sa kapalpakan ng NGCP sa Panay blackout, matibay – solon
Next articleP91.47M naipagkaloob ng gobyerno sa ex-rebels sa ilalim ng DILG-ECLIP package