Home NATIONWIDE PBBM sa kanyang New Year’s Eve message: Mga Filipino, magtulong-tulong sa magandang...

PBBM sa kanyang New Year’s Eve message: Mga Filipino, magtulong-tulong sa magandang hinaharap ng bansa

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Filipino na mag-ambag at tumulong sa hinaharap ng bansa.

Ito ang bahagi ng new year’s message ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, ang bagong taon ay tanda ng oportunidad na sumasalamin sa mga nagawa at pagsulong bitbit ang leksyon o aral na natutunan.

“As we welcome 2024 with great optimism, I call upon every Filipino from every corner of the world to contribute to the future of our beloved motherland,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Let us embody the spirit of solidarity through acts of kindness, volunteerism, and compassion, knowing that each of us is catalyst for our country’s meaningful social transformation,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, inanunsyo ng Malakanyang na regular holiday ang Enero 1, 2024, araw ng Lunes habang ang Disyembre 31, 2023 ay idineklara naman bilang special non-working day. Kris Jose

Previous articleIka-27 3S Center, pinasinayaan sa Valenzuela
Next articleLotto Draw Result as of | December 31, 2023